Lumang Sistema Lyrics - CND Hood

Lumang Sistema Lyrics

1st Verse: Jay
Balita ni tes sa kapwa nya marites
abay pokpok daw yan si nena kaya yan na buntis
Iba iba sinasamahan sa tuwing kada alis
pagka gising may Tsismosa hanggang mag alas-tres
Habang si buboy naman sa ama'y dumadaing
gutom na po ako itay wag ka ng mag lasing
nagulat nalang ako ng biglaan syang sampalin
talo nako sa sugal wag mo nakong kulitin
Yung bata napilitang mang limos sa may lansangan
para lamang malabanan maibsan ang kagutuman
Naiisip ko tuloy bakit mayrong ganong magulang
yung magulang na magulang mo ay napaka batugan
Ang daming pagkukulang puros pabaya
Imbis na mag trabaho mas piniling humiga
Pano mo nasisikmurang wala kang ginagawa
Tas sisihin ang gobyerno kung bakit sila dukha.

Chorus:
Ako ay bata pa
kailangan ng aruga
magulang ko ay pabaya
maghapon lang nakahiga

2nd Verse: Ballas
Wag mo naman i asa lahat sa panginoon
Kailangan kilusan mo para maayos ang solusyon
Puro salitang ma babango lang ang pakikingan? Ganon?
Ba ang panahon ngayon? Wag mo ikulong
Ang sarile sa magagarbong salita
Na dinidura ng mga tauhan nila
Puro lason lang sa isipin ang dala dala
Para di natin makita kalokohang ginawa
Hindi natin dapat laging isisi sa pinuno
Makikita mo yung anay sa ilalim yan ng puno
Utak ng kuneho pero usad pagong ka
Ibig lng sabihin nun sayoy may mali na
Ang pag babago sa sarile wag i asa
Kung hndi mo ikikilos at puro hilata
Tiyak hindi mo makakamit ang ginhawa
Hoy! Wag mong intaying ma laglag yung bayabas tanga!

Chorus:
Ako ay bata pa
kailangan ng aruga
magulang ko ay pabaya
maghapon lang nakahiga

3rd Verse: Jape-P
Madami ng nadamay madami ng nilamay
May mga batang nawalan din ng tatay
Sino ang karamay sino ang dadamay
Mga paslit haharap sa reyalidad ng buhay
Hindi mo na alam kung sino ang tama o mali
Sistemang nakatali dilemang hindi mabali
Ilalim ang nadali sa batas na may kakulangan
Sa isang banda may nanunungkulan na uminit ang pangalan
Lagi na siyang kabado sa kaniyang pamilya na inuuwian
Hindi na ligtas ang kapakanan
Wala na nga ba tayo karapatan
Nasaan na ba ang kapayapaan
Dito sa bansa na ating sinilangan
kailan malulunasan sakit na kahirapan
Na tila ba pandemya na hindi malalagpasan.

Chorus:
Ako ay bata pa
kailangan ng aruga
magulang ko ay pabaya
maghapon lang nakahiga

4th Verse: Maztah
Minsan talaga hindi ko na malaman
kung anong pinagmulan ng dahilan ng kaguluhan
Ganon ba talaga kung sino ang mayaman
siya tong tinututukan ang mahirap pabayaan
pag may inaapi wala silang pake
pag namatay naman kunwari ay merong pake
Huwag ng mag kunware at okay lang naman
sanay narin ako sa mundo ng kaplastikan
Kaya kahit na ang swerte ay kataka-takang
na panaka-nakang nakaabang pero wala paring dumadaan
Bakit ba nagkaganyan di ko na malaman ang
gagawin na parang bang
akoy mauubusan ng mga paraan
bansot may problemay di ko matangkaran
Korapsyong di na matutuldukan
parang kalawakan na walang katapusan.




Post a Comment

1 Comments